Ang Pinaka kina iinisan Kong Artista Ay Si...

avatar

Ang Artista ay dapat nakaka entertain at hindi dapat nakakainis, kahit mga kontrabida nga minsan ay kinatutuwaan pa natin dahil nakaka entertain sila.

image.png
Image is AI generated using Bing Image Creator

Paano ko ba i kokonsidera na nakakainis ang isang artista? Hindi ba sya pasok sa beauty standards mo? pangit ba yung arte nya at mga pina pauso nya? May scandal ba sya at tingin mo hindi sya magandang ehemplo?

Madaming maiinis sa akin dahil sa prompt para sa araw na ito, pero syempre sa huli opinyon ko ito at hindi din naman ako yung tao na basta na lang nag hahayag ng opinyon ng wala akong magandang dahilan.

Madami sa atin na basta basta na lang nagiging fan ng isang artista na wala tayong paki alam sa kung anu man ang totoong character nya o kung masama syang impluwensya. madaming bulag sa mga ganyang bagay eh, kaya nga sa ibang bansa, ultimo mga artistang nag propromote na ng pagsamba sa demonyo eh madami pa ding fans.

Hindi ko naman masasabing naiinis ako sa mga artistang ito pero ang mga ayaw kong panooding artista at hindi ko talaga pinapanood, sikat ang mga ito at kahit mga ads nito eh hindi ko tinatangkilik.

Hindi ko kasi sila nakita as mabuting ehemplo sa madla, Hindi ko din gusto ang arte nila sa pinilakang tabing, kasama na dyan ang mga proyektong tinatangap nila at lalong hindi ko gusto ang mga prinsipyo nila sa buhay.

Nag propromote din sila ng mga prinsipyong labag sa prinsipyo ko bilang tao kaya hindi talaga ako na nonood sa palabas nila.

Siguro sasabihin ng iba sa inyo Hater ako, hindi ako Hater, ang tawag doon ay paninindigan sa prinsipyo sa buhay.

Madaming artista na gumagawa ng sexy at ayaw ko din sila panoodin, hindi ako inis sa kanila sa personal na aspeto pero ayaw ko ng ginagawa nila kaya bat ko susuportahan?

So kung inis na artista ay hindi ko masasabing meron dahil wala naman akong personal na inis. Mga artista sigurong hindi pasok sa panlasa ko at prinsipyo ko meron.

Ano pinagkaiba noon? kung sakaling dumating ang panahon na nakita kong nagbago ang mga artistang ito, malamang suportahan ko na sila, dahil hindi naman ako inis sa kanila eh.

Parang ganto, may mga kaibigan ako na ang negosyo ay inuman at diko sinusuportahan iyon dahil salungat yun sa prinsipyo ko, pero kung sakaling dumating ang panahon na magbago sila ng negosyo, malamang isa pa ako sa una nilang parokyano.

Hindi ko na sinabi ang pangalan ng artista, pwede nyong hulaan pero hindi ako aamin. hahaha!!!



0
0
0.000
4 comments
avatar

HAHHA nu ba yan walang pangalan yung clue naman di rin ganun kahelpful Lodens

0
0
0.000
avatar

Kung sa role na ginampanan boss alam mo magaling at naiinis ka talaga sa kanya ako si Joffrey Baratheon ng Game of Thrones.

0
0
0.000
avatar

Kapag nainis ka sa kontrabida sa palabas, malamang magaling nga sya. hahaha!!!

0
0
0.000